Huwebes, Mayo 31, 2012

THE HOLIDAY THAT IS NOT.

Kelan ko lang nalaman -- I'm sure many other Filipinos do not know it yet also -- na last Monday pala, May 28th, was a red-lettered day..  It is called Philippine Flag Day.  Of course, it is not really printed in red in the calendar, as only legal non-working days are.  Sa totoo lang, ito lang namang mga non-working holidays ang inaabangan ng lahat, di ba? dahil walang pasok sa mga ganitong araw o kaya'y doble ang sahod kung ikaw ay pumasok.

At any rate, medyo nakalulungkot isipin na ang supposed holiday na ito, which is really not, ay hindi lamang covered by a Presidential Proclamation like all other holidays, kundi ipinag-uutos pang ipagdiwang ng umiiral na batas, and Republic Act 8491, passed in 1998.  At di basta ipagdiwang nang isang araw lamang, gaya ng every other holiday.  Ipinag-uutos ng RA 8491 na bilang pagdiriwang, ang bawa't gusaling pampubliko at maging mga tahanan at opisinang pribado ay mag-display ng ating watawad sa harap, at, mind you, araw-araw mula sa May 28 hanggang June 12.  Ang Philippine Flag Day na ang maliwanag na ipinag-uutos ng batas na alalahanin at ipagdiwang ng bawa't Filipino sa loob ng pinaka-mahabang araw.  But let's be honest!  May nasaksihan ba tayong katitinng na bahagi man lamang ng ipinag-uutos ng batas.  Huwag na 'yong sa mga tahanang pribado, meron ba kayong nakitang isang opisina ng gobyerno na nag-display ng Philippine Flag kahit iisang araw man lamang.  May nakatadhanang parusa ang RA 8491 sa sinumang lumabag.  Meron kayang isa man lang na maparusahan?  Siyempre wala!  Ganito naman tayong mga Pinoy, di ba: we pass so many laws only for people to openly violate them with manifest impunity. It's really no wonder this country is fast becoming the laughing stock of the whole world.  

Ang Philippine Flag Day lang siguro ang ipinag-uutos ng batas ang pagdiriwang, ang iba pa ay covered by Executive proclamations lamang.  Aba, teka, tila meron pa yatang isa, under Republic Act 4166, 'yong kung tawagin ay Republic Day.  Ewan ko kung narinig na ninyo ang tungkol dito.  Meron akong isa pang nakatatawang about this, which please read in my next blog.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento