Tunay na dapat ipagluksa ng buong sambayanang Pilipino and maagang pagkawala ni DILG Sec. Jesse Robredo. Sa gulang niyang 54, tunay na napaka-aga pa upang siya ay mawala. Siya, sa tingin ko, ay isa sa iilan lamang na matitinong tao ng gobyerno sa kasalukuyan. Ang totoo, kung hindi magbabago ang kanyang rekord ng serbisyo sa gobyerno, by 2016, kung sakaling siya ay tatakbong Pangulo, baka siya ang iboto ko, kahit pa nga against Binay na kababayan ko. Noong Sabado ng gabi na hinahanap ang ill-fated plain -- sumpain ako ng Diyos sa pagkakaupo ko habang sinusulat ko ang blog na ito kung hindi ito totoo -- isa ako sa nagdasal na sana'y matagpuan siyang buhay, bagama't the following day, Sunday, noong nahihirapan pa rin ang search and rescue operations na matagpuan ang eroplanong bumagsak, I had to be realistic while hoping for the best.
Habang ang eroplano'y hinahanap, maraming balita ang naglabasan. Lumabas ang balitaang, bilang pagsunod sa isang matandang pamahiin, ay ilaglag daw ang personal na unan, or pillow, sa binagsakan ng eroplano, at si Robredo ay matatagpuan. Nakatutuwang nang ibagsak nga sa Masbate waters ang pillow ni Robredo na galing pa sa Naga City, ay natagpuan rin siya, bagama't nakalulumbay ring malaman na siya ay isa nang bangkay. Ako, sa kagurangan ko ngayon, ay isa lang sa iilang naniniwala sa ganintong pamahiin ng matatanda. And look, di ba nagkatotoo nga?
Lumabas din ang balitang si Rebredo ay sadyang naka-book nang hapong iyon sa Cebu Pacific flight to Manila, not to Naga where, apparently, there was to passenger plane scheduled from Naga to Cebu on that day. But then, he changed his mind. He suddenly decided to fly home to Naga, it being a weekend, and because he wanted to give a blowout, or something like that, for his youngest daughter who just won a bronze medal, in Singapore yata, in a mathematics contest. Talagang gayon yata ang isang ama, sa bawa't sandali'y walang iniisip kundi ang kaligayahan ng kanyang pamilya. And so, he cancelled his Ceb-Pacific booking to Manila, and decited to get a chartered plane for Naga. Unfortunately, the plane ended up ill-fated.
Ayoko sanang banggitin ito sa panahong ito ng pagluluksa ng buong bansa for Robredo's untimely death, pero di ko naiwasa. Alam kong di ko man masabi ito ngayon ay sasabihin ko rin balang araw. Aniko sa sarili'y kakaunti naman siguro, baka nga wala pa, ang makababasa ng blog kong ito, kaya ninasa ko na ring palayain sa aking kalooban. Hindi ko alam how much it costs to hire a chartered plane, but I am sure it is probably a hundred times more expensive than a passenger plane ticket. Naisip ko rin, 'yong trip ni Robredo to Naga ay masasabing outside of his truly official functions, since he simply wanted to be home with his family for a very personal reason, and that is to give a surprise treat to his daughter. Ang tanong: pinagka-gastos ba ni Robredo ang pamahalaan by the extra amount equivalent to the cost of a plane ticket and a chartered plane? Sinabi kong tanong, because the answer is either YES or NO. Yes, if the extra cost will be for the account of the government. And No, if Robredo intended to have it charged to his personal account. At any rate, I my hopes run high the eventual answer will be NO.
Before people get me wrong, I repeat: Si Robredo ay isang mabuting tao, at alam kong laging tumutugaygay sa "tuwid na daan" ni PNoy in government. Hindi ko nais na pulaan siya sa malungkot na mga sandaling ito. I hope Robredo -- wherever he is now -- his family and my readers will forgive me for giving out this comment at this rather not-too-opportune moment, even as I believe someone else will articulate it in due course. May Jesse Robredo rest in peace!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento