Alam ko, sigurado ako, at umaasa ako, na sa malao't madali ay makakamtan din ni Dolphy, albeit ironically posthumously, ang National Artist Award.
Pero kanina, habang binabasa ko ang column ni Randy David sa Inquirer, titled "Portrait of a Filipino as Dolphy," ay medyo napukaw ang aking kamalayan sa kanyang sinabing dalwang mukha ng buhay ang nangingibabaw na inilarawan ni Dolphy sa mga roles na kanyang ginampanan sa pelikula sa buong panahon ng kanyang pagiging hari ng komedya. Ang una, na napanood ng marami sa atin sa pagitan ng dekada singkuwenta at setenta, ay ang katauhan ng isang baklang walang anu-ano ay biglang titili at iigkas ang mga kamay -- gaya ni Facifica Falayfay. Ang ikalawa ay ang larawan ng isang ama sa "John and Marsha," nakatira "Along da Riles" at di gaanong binibigyang-pansin, ang totoo'y tinatawanan pa nga, ang kahirapan ng buhay ng isang iskuwater. Gaya ng alam ng lahat, sa pagdaan ng panahon, ang role ng isang bakla ay unti-unting natabunan ng karakter ni Juan Porontong at Kevin Kosme sa sumunod niyang mga pelkula.
Alam rin natin na noong mga dekada singkuwemta-setenta, ang mga bading ay lihim na dinudusta at tinatawanan sa lipunan, bagama't ang katotohanang ito ay matagumpay na naitatago ng mga jokes at entertainment na ibinibigay ni Dolphy sa balana sa kanyang pagganap sa mga roles na ito. Sariwa pa marahil sa ating gunita kung papaanong si Dolphy ay nilalait at dinudusta araw araw ni Panchito Alba sa kanyang role bilang baklang kapatid ni Susan Roces sa "Jack en Jill." Alalaon baga, ang mga dekadang yaon ay panahong kahit totoo ay pilit itinatago ng bawa't Pilipino ang pagiging bakla. Noon, aminin man natin o hindi, ang mga bading ay itinuturing na sumpa sa pamilya at sa lipunang kanilang sinulputan.
Passed forward to the present, ngayon ay hindi na! Maraming bading ngayon ang iginagalang na sa lipunan, lalo na sa movie industry kung saan halos lahat ng magagaling na direktor ay hindi na itinatagong sila ay bakla. Si Rustom Padilla nga, noo'y isang versatile action at romantic star, ay si BB Gandanghari na ngayon kung tawagin. Of course, meron pa ring ilan diyan na alam ng lahat na bading ay hindi matanggap at pilit pa ring pinalalabas sa madla na siya ay tunay na macho at gigolo. Pero huwag na nating palawigin pa ang usapan dito, baka makabanggit pa ako ng ilang pangalan at mapahabla ng libel. Ang mahalaga, ang mga bading sa lipunan, ang ilan nga ay senador pa, ay di na gasinong dinudusta. They are now the strongest advocates of gender equality in our midst and times, as each one of them continues to seek his rightful place under the sun.
Ngayo'y naisip ko lang: hindi kaya magkaroon ng alinglangan ang mga transgender groups in Philippine society sa karapatan ni Dolphy sa national artist award? Bakit 'kanyo? Aba'y di ba't si Dolphy ang unang naglarawan sa mga bakla bilang karakter ng lipunan na nilalait, dinudusta at tinatawanan? Sa kabilang dako, hindi naman kaya dapat pasalamatan ng mga bading si Dolphy sapagka't kung hindi sa kanyang mga roles bilang tinatawanang mga bakla, marahil ay di sila magigising sa katotohanang di sila dapat na dinudusta, manapa'y dapat igalang sabawa't lipunan ng tao kanilang ginagalawan?
Well, take your pick! I am leaving these questions to my readers in the light of one very vital qualification that a national artist must possess under the government's existing rules And that is, "The content or form of his works must have contributed to building a Filipino sense of nationhood."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento